11“Tahimik ang pamumuhay ng Moab mula pa noon. Hindi pa ito nakaranas ng pagkabihag. Para itong alak na hindi nagagalaw sa kanyang sisidlan, at hindi isinalin sa ibang lalagyan. Ang lasa nitoʼy nanatiling malinamnam, ang amoy rin ay hindi nagbabago.
12Ngunit darating ang araw na isusugo ko ang aking mga kaaway,” wika ng Panginoon, “upang ibuhos ang Moab mula sa kanyang lalagyan at pagkatapos ay babasagin ang lalagyan nito.
13At ikakahiya ng mga taga-Moab ang diyos-diyosan nilang si Cemos, gaya ng nangyari sa Betel nang mapahiya ang mga Israelita dahil silaʼy nagtiwala sa mga walang silbing diyos-diyosan nila.
14“Ipinagmamalaki ng mga taga-Moab na matatapang ang sundalo nila sa pakikipaglaban.
15Ngunit mawawasak ang Moab at ang mga bayan nito. Papatayin ang kanilang matatapang na kabataan,” wika ng Panginoon na haring Makapangyarihan.