30“Mga taga-Hazor, magmadali kayo at tumakas!” sabi ng Panginoon. “Magtago na kayo sa mga kuweba. Nagplano ng masama laban sa inyo si Haring Nebucadnezar ng Babilonia.
31“Lusubin ninyo ang mga taong namumuhay nang tiwasay at hindi nababalisa,” sabi ng Panginoon. “Walang trangka ang pintuan ng lungsod nila, at nabubuhay sila na sila-sila lang.
32Ang mga kamelyo nila at ang lahat ng kanilang kawan ay magiging inyo. Ikakalat ko ang mga taong ito na nakatira sa malayong lugar at ipapadala ko sa kanila ang kapahamakan mula sa kung saan-saan,” sabi ng Panginoon.
33“Magiging malungkot ang Hazor magpakailanman at walang taong maninirahan doon kundi mga asong-gubat.”
34Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay propeta Jeremias tungkol sa Elam noong nagpasimulang maghari si Zedequias sa Juda.