12“Hindi sila nagsasalita ng totoo tungkol sa akin; sinabi nila, ‘Hindi tayo sasaktan ng Panginoon! Walang panganib na darating sa atin. Walang digmaan o gutom man na darating.’
13Walang kabuluhan ang mga propeta at hindi galing sa akin ang mga ipinapahayag nila. Mangyari nawa sa kanila ang kapahamakan na kanilang inihula.”
14Kaya ito ang sinabi sa akin ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Dahil ganyan ang sinabi ng mga taong iyon, bibigyan kita ng mensaheng katulad ng apoy na susunog sa kanila at silaʼy masusunog na parang kahoy.”
15Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan ng Israel, magpapadala ako ng mga tao mula sa malayong bansa para salakayin kayo. Itoʼy isang sinaunang bansa na ang wika ay hindi ninyo nauunawaan.
16Matatapang ang sundalo nila at nakakamatay ang mga gamit nilang pandigma.