14Kaya ito ang sinabi sa akin ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Dahil ganyan ang sinabi ng mga taong iyon, bibigyan kita ng mensaheng katulad ng apoy na susunog sa kanila at silaʼy masusunog na parang kahoy.”
15Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan ng Israel, magpapadala ako ng mga tao mula sa malayong bansa para salakayin kayo. Itoʼy isang sinaunang bansa na ang wika ay hindi ninyo nauunawaan.
16Matatapang ang sundalo nila at nakakamatay ang mga gamit nilang pandigma.
17Uubusin nila ang inyong mga ani, pagkain, hayop, ubas, at mga igos ninyo. Papatayin nila ang iyong mga hayop at ang inyong mga anak. Wawasakin nila ang inyong mga napapaderang lungsod, na siyang inaasahan ninyo.
18“Ngunit kahit sa mga araw na iyon,” sabi ng Panginoon. “Hindi ko kayo lilipulin nang lubusan.