20Sabihin ninyo ito sa mga mamamayan ng Israel at Juda.
21Pakinggan nʼyo ito, kayong mga hangal at matitigas ang ulo. May mga mata kayo pero hindi makakita, may mga tainga pero hindi makarinig:
22Wala ba kayong takot sa akin?” wika ng Panginoon. “Bakit hindi kayo nanginginig sa aking harapan? Ako ang gumawa ng buhangin sa tabing-dagat upang maging hangganan ng dagat. Itoʼy hangganan na hindi malalagpasan. Hahampasin ito ng mga alon pero hindi nila maaapawan.
23Ngunit matitigas ang ulo at rebelde ang mga taong ito. Kinalimutan at nilayuan nila ako.
24Hindi sila nagsasalita ng mula sa puso na, ‘Parangalan natin ang Panginoon na ating Diyos na nagbibigay ng ulan sa tamang panahon at nagbibigay sa atin ng ani sa panahon ng anihan.’