26“May masasamang tao na kabilang sa mga mamamayan ko at nag-aabang ng mabibiktima. Para silang mga taong bumibitag ng mga ibon. Naglalagay sila ng mga bitag para sa ibang mga tao.
27Katulad ng hawlang puno ng mga ibon, ang bahay ng masasamang taong ito ay puno ng mga kayamanang nanggaling sa pandaraya. Kaya yumaman sila at naging makapangyarihan.
28Tumaba sila at lumakas ang kanilang mga katawan. Sukdulan ang paggawa nila ng kasamaan. Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga ulila at hindi nila ipinaglalaban ang karapatan ng mga dukha.
29Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan dahil dito?” wika ng Panginoon. “Hindi baʼt nararapat na paghigantihan ko ang mga bansang katulad nito?
30“Nakakasindak at nakakapangilabot ang mga bagay na nangyayari sa lupaing ito.