29Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan dahil dito?” wika ng Panginoon. “Hindi baʼt nararapat na paghigantihan ko ang mga bansang katulad nito?
30“Nakakasindak at nakakapangilabot ang mga bagay na nangyayari sa lupaing ito.
31Ang mga propeta ay nagpapahayag ng kasinungalingan. Ang mga pari ay namamahala ayon sa sarili nilang kapangyarihan. At ito ang gusto ng mga mamamayan ko. Ngunit ano ang gagawin nila kapag dumating na ang katapusan?”