12Ngunit ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa. Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa, at magiging isa itong tuyot at nakatiwangwang na disyerto.
13Dahil sa galit ng Panginoon, wala nang maninirahan sa Babilonia at itoʼy magiging tiwangwang. Masisindak at mangingilabot ang lahat ng dadaan dito dahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.
14“Kayong mga tagapana, humanay na kayo sa inyong puwesto sa palibot ng Babilonia. Panain ninyo siya sapagkat nagkasala siya sa Panginoon.
15Sumigaw kayo laban sa kanya sa lahat ng dako! Tingnan nʼyo! Sumuko na ang Babilonia! Nawawasak na ang mga tore niya at gumuho na ang mga pader niya. Ang Panginoon ang naghiganti sa kanya. Kaya paghigantihan ninyo siya at gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa iba.
16Paalisin ninyo sa Babilonia ang mga nagtatanim at nag-aani gamit ang karit. Iligtas ninyo ang mga bihag sa espada ng mga kaaway at patakasin ninyo sila at pauwiin sa sarili nilang lupain.