10Sasamsamin nila ang mga ari-arian ng Babilonia at talagang magsasawa sila,” sabi ng Panginoon.
11“Mga taga-Babilonia, sinamsam ninyo ang pag-aari ng mga mamamayan ko. Tuwang-tuwa kayo at masaya na parang dumalagang baka sa pastulan o kabayong humahalinghing.
12Ngunit ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa. Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa, at magiging isa itong tuyot at nakatiwangwang na disyerto.
13Dahil sa galit ng Panginoon, wala nang maninirahan sa Babilonia at itoʼy magiging tiwangwang. Masisindak at mangingilabot ang lahat ng dadaan dito dahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.
14“Kayong mga tagapana, humanay na kayo sa inyong puwesto sa palibot ng Babilonia. Panain ninyo siya sapagkat nagkasala siya sa Panginoon.