Jeremias 50

Sasamsamin nila ang mga ari-arian ng Babilonia at talagang magsasawa sila,” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 50:10 (UKJV) And Chaldea shall be a spoil: all that spoil her shall be satisfied, says the LORD.

8“Tumakas kayo mula sa Babilonia! Iwanan na ninyo ang bansang iyan! Mauna na kayong tumakas katulad ng mga kambing na nangunguna sa mga kawan!

9Sapagkat ipapasalakay ko ang Babilonia sa alyansa ng mga makapangyarihang bansa mula sa hilaga. Sasalakayin nila ang Babilonia at masasakop nila ito. Bihasa ang mga tagapana nila at walang mintis ang kanilang pagpana.

10Sasamsamin nila ang mga ari-arian ng Babilonia at talagang magsasawa sila,” sabi ng Panginoon.

11“Mga taga-Babilonia, sinamsam ninyo ang pag-aari ng mga mamamayan ko. Tuwang-tuwa kayo at masaya na parang dumalagang baka sa pastulan o kabayong humahalinghing.

12Ngunit ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa. Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa, at magiging isa itong tuyot at nakatiwangwang na disyerto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.