Jeremias 50

“Ang mga mamamayan ko ay parang mga tupang naliligaw. Pinabayaan sila ng kanilang mga pastol doon sa kabundukan at kaburulan at hindi na nila alam ang daan pauwi.

Jeremiah 50:6 (UKJV) My people has been lost sheep: their shepherds have caused them to go astray, they have turned them away on the mountains: they have gone from mountain to hill, they have forgotten their resting place.

4“Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay iiyak na lalapit sa akin, ang Panginoon na kanilang Diyos.

5Magtatanong sila ng daan papuntang Jerusalem at pupunta sila roon. Gagawa sila ng walang hanggang kasunduan sa Panginoon at hindi na nila ito kakalimutan.

6“Ang mga mamamayan ko ay parang mga tupang naliligaw. Pinabayaan sila ng kanilang mga pastol doon sa kabundukan at kaburulan at hindi na nila alam ang daan pauwi.

7Sinasakmal sila ng mga nakakakita sa kanila. Sinasabi ng mga kaaway nila, ‘Nagkasala sila sa Panginoon na siyang tunay nilang kapahingahan at pag-asa ng mga ninuno nila kaya wala tayong kasalanan sa ating pagsalakay sa kanila.’

8“Tumakas kayo mula sa Babilonia! Iwanan na ninyo ang bansang iyan! Mauna na kayong tumakas katulad ng mga kambing na nangunguna sa mga kawan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.