36Kaya sinabi ng Panginoon: “Mga taga-Jerusalem, ipagtatanggol ko kayo at maghihiganti ako para sa inyo. Patutuyuin ko ang dagat at ang mga bukal sa Babilonia.
37Wawasakin ko ang bansang Babilonia! Magiging katawa-tawa at kasumpa-sumpa ang bansang ito, at wala nang maninirahan dito maliban sa mga asong-gubat.
38Ang mga taga-Babilonia ay aatungal na parang leon. Sila ay uungol katulad ng mga batang leon.
39At dahil silaʼy gutom, ipaghahanda ko sila ng piging. Lalasingin ko sila, pasasayahin at patutulugin nang mahimbing habang panahon, at hindi na magigising,” sabi ng Panginoon.
40“Dadalhin ko sila upang katayin na parang mga tupa at mga kambing.