38Ang mga taga-Babilonia ay aatungal na parang leon. Sila ay uungol katulad ng mga batang leon.
39At dahil silaʼy gutom, ipaghahanda ko sila ng piging. Lalasingin ko sila, pasasayahin at patutulugin nang mahimbing habang panahon, at hindi na magigising,” sabi ng Panginoon.
40“Dadalhin ko sila upang katayin na parang mga tupa at mga kambing.
41“Papaanong bumagsak ang Babilonia? Ang bansang hinahangaan ng buong mundo! Nakakatakot tingnan ang nangyari sa kanya!
42Matatabunan ng malalakas na alon ang Babilonia.