62Pagkatapos ay manalangin ka, ‘O Panginoon, sinabi nʼyo po na wawasakin nʼyo ang lugar na ito upang walang manirahan dito, maging tao man o hayop, at itoʼy magiging tiwangwang magpakailanman.’
63Pagkabasa mo sa kasulatan, talian mo ito ng bato at ihagis sa Ilog Eufrates.
64At sabihin mo, ‘Ganyan ang mangyayari sa Babilonia, lulubog ito at hindi na lilitaw pa dahil sa mga kapahamakang ipararanas ng Panginoon sa kanya. Mamamatay ang mga mamamayan niya.’ ” Ito ang katapusan ng mensahe ni Jeremias.