7Ang Babilonia ay tulad ng tasang ginto sa kamay ng Panginoon na puno ng alak. Pinainom niya ang mga bansa sa buong daigdig, at silaʼy nalasing at naging baliw.
8Biglang mawawasak ang Babilonia! Ipagluksa ninyo siya! Gamutin ninyo ang kanyang mga sugat at baka sakaling gumaling siya.”
9“Sinabi ng mga dayuhang naninirahan doon, ‘Sinikap naming gamutin ang Babilonia pero hindi na ito magagamot pa. Pabayaan na lang natin siya at umuwi na tayo sa mga lugar natin. Sapagkat hanggang langit na ang kanyang mga kasalanan kaya parurusahan na siya ng Panginoon.’
10“Sinabi ng aking mga mamamayan na bihag doon, ‘Ipinaghiganti tayo ng Panginoon. Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem at sabihin natin doon ang ginawa ng Panginoon na ating Diyos.’ ”
11“Patalasin ninyo ang inyong mga pana at ihanda ang inyong mga pananggalang. Inudyukan ng Panginoon ang mga hari ng Media na wasakin ang Babilonia dahil ito ang layunin niya. Maghihiganti ang Panginoon sa Babilonia dahil sa paggiba nito sa kanyang Templo.