24Binihag din ni Nebuzaradan sina Seraias na punong pari, Zefanias na pangalawang punong pari at ang tatlong tagapagbantay ng pinto ng templo.
25Ito pa ang mga nakita niya at dinalang bihag mula sa lungsod: ang opisyal ng mga sundalo ng Juda, ang pitong tagapamahala ng hari, ang kalihim ng kumander na kumukuha at nagsasanay ng mga taong magiging sundalo at ang animnapu pang mamamayan doon.
26Doon sa Ribla silang lahat ay ni Nebuzaradan sa hari ng Babilonia
27at doon sa Ribla na sakop ng Hamat, ipinapatay silang lahat ng hari ng Babilonia. Kaya ang mga mamamayan ng Juda ay binihag at dinala papalayo sa lupain nila.
28Ito ang bilang ng mga taga-Juda na binihag ni Haring Nebucadnezar mula sa Jerusalem: Noong ikapitong taon ng paghahari niya, 3,023.