8Mga taga-Jerusalem, babala ito sa inyo at kung ayaw pa ninyong makinig, lalayo ako sa inyo, at magiging tiwangwang ang lupain nʼyo at wala nang maninirahan dito.”
9Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo: “Ang mga matitirang buhay sa Israel ay ipapaubos ko sa mga kaaway, katulad ng huling pamimitas ng mga natitirang ubas. Tinitingnan nilang mabuti ang mga sanga at kukunin ang mga natitirang bunga.”
10Ngunit Panginoon, sino po ang bibigyan ko ng babala? Sino po kaya ang makikinig sa akin? Tinakpan po nila ang kanilang mga tainga upang hindi sila makarinig. Kinasusuklaman po nila ang salita ng Panginoon, kaya ayaw nilang makinig.
11Nararamdaman ko rin ang galit ng Panginoon sa kanila at hindi ko ito mapigilan. Sinabi ng Panginoon, “Ibuhos mo ito sa mga batang naglalaro sa lansangan, sa mga kabataang lalaki na nagkakatipon, sa mga mag-asawa at pati na sa matatanda.
12Ibibigay sa iba ang mga bahay nila, pati ang mga bukid at mga asawa nila. Mangyayari ito kapag pinarusahan ko na ang mga nakatira sa lupaing ito,” sabi ng Panginoon.