10Ngunit Panginoon, sino po ang bibigyan ko ng babala? Sino po kaya ang makikinig sa akin? Tinakpan po nila ang kanilang mga tainga upang hindi sila makarinig. Kinasusuklaman po nila ang salita ng Panginoon, kaya ayaw nilang makinig.
11Nararamdaman ko rin ang galit ng Panginoon sa kanila at hindi ko ito mapigilan. Sinabi ng Panginoon, “Ibuhos mo ito sa mga batang naglalaro sa lansangan, sa mga kabataang lalaki na nagkakatipon, sa mga mag-asawa at pati na sa matatanda.
12Ibibigay sa iba ang mga bahay nila, pati ang mga bukid at mga asawa nila. Mangyayari ito kapag pinarusahan ko na ang mga nakatira sa lupaing ito,” sabi ng Panginoon.
13“Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila, pare-pareho silang sakim sa pera. Kahit ang mga propeta at mga pari ay mga mandaraya rin.
14Binabalewala nila ang sugat ng aking mga mamamayan kahit malala na ito. Sinasabi rin nilang payapa ang lahat, kahit hindi naman.