25Huwag na kayong lalabas upang pumunta sa mga bukid o lumakad sa mga daan, sapagkat may mga kaaway kahit saan na handang pumatay. Nakakatakot sa ating paligid.
26Mga kababayan, magsuot kayo ng sakong damit at gumulong kayo sa abo upang ipakita ang inyong pagluluksa. Umiyak kayo na parang namatay ang kaisa-isa ninyong anak. Sapagkat ang mangwawasak ay sasalakay nang biglaan.
27“Ginawa kitang ng tagasuri ng mga metal, at ang aking mamamayan ang bato upang masuri mo ang pag-uugali ng aking mga mamamayan.
28Silang lahat ay rebelde at matitigas ang ulo, kasintigas ng tanso at bakal. Nanlalait at nanloloko sila ng kanilang kapwa.
29Ang mga pugon ay patuloy na pinapainit upang sunugin ang tinggang nakahalo sa pilak. Subalit ang pagdalisay ay walang kabuluhan dahil ang masama ay hindi natatanggal nang lubusan.