28Silang lahat ay rebelde at matitigas ang ulo, kasintigas ng tanso at bakal. Nanlalait at nanloloko sila ng kanilang kapwa.
29Ang mga pugon ay patuloy na pinapainit upang sunugin ang tinggang nakahalo sa pilak. Subalit ang pagdalisay ay walang kabuluhan dahil ang masama ay hindi natatanggal nang lubusan.
30Tatawagin silang, ‘Itinakwil na Pilak’ dahil itinakwil sila ng Panginoon.”