Jeremias 7

“Tumayo ka sa pintuan ng templo ko at sabihin mo ito sa mga mamamayan ko: “ ‘Makinig kayo, kayong mga taga-Juda na pumapasok dito upang sumamba sa Panginoon.

Jeremiah 7:2 (UKJV) Stand in the gate of the LORD's house, and proclaim there this word, and say, Hear the word of the LORD, all you of Judah, that enter in at these gates to worship the LORD.

1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

2“Tumayo ka sa pintuan ng templo ko at sabihin mo ito sa mga mamamayan ko: “ ‘Makinig kayo, kayong mga taga-Juda na pumapasok dito upang sumamba sa Panginoon.

3Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Baguhin na ninyo ang inyong pag-uugali at pamumuhay, upang patuloy ko kayong patirahin sa lupaing ito.

4Huwag kayong palilinlang sa mga taong paulit-ulit na sinasabing, “Walang panganib na mangyayari sa inyo dahil nasa atin ang Templo ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.