2“Tumayo ka sa pintuan ng templo ko at sabihin mo ito sa mga mamamayan ko: “ ‘Makinig kayo, kayong mga taga-Juda na pumapasok dito upang sumamba sa Panginoon.
3Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Baguhin na ninyo ang inyong pag-uugali at pamumuhay, upang patuloy ko kayong patirahin sa lupaing ito.
4Huwag kayong palilinlang sa mga taong paulit-ulit na sinasabing, “Walang panganib na mangyayari sa inyo dahil nasa atin ang Templo ng Panginoon.”
5“ ‘Baguhin na ninyo nang lubusan ang inyong pag-uugali at pamumuhay. Tratuhin ninyo nang tama ang inyong kapwa,
6at huwag na ninyong apihin ang mga dayuhan, ulila, at mga biyuda. Huwag ninyong papatayin ang mga walang kasalanan, at huwag kayong sumamba sa ibang mga diyos na siyang magpapahamak sa inyo.