Jeremias 7

“Jeremias, kung sasabihin mo sa kanila ang lahat ng ito, hindi sila makikinig sa iyo. Kapag tatawagin mo sila na lumapit sa akin, hindi sila sasagot.

Jeremiah 7:27 (UKJV) Therefore you shall speak all these words unto them; but they will not hearken to you: you shall also call unto them; but they will not answer you.

25Mula nang umalis ang mga ninuno nʼyo sa Ehipto hanggang ngayon, patuloy akong nagpapadala sa inyo ng mga lingkod kong mga propeta.

26Ngunit hindi nʼyo sila pinakinggan o pinansin. Mas matigas pa ang mga ulo nʼyo at mas masama pa ang mga ginawa nʼyo kaysa sa mga ninuno ninyo.’

27“Jeremias, kung sasabihin mo sa kanila ang lahat ng ito, hindi sila makikinig sa iyo. Kapag tatawagin mo sila na lumapit sa akin, hindi sila sasagot.

28Kaya ito ang sabihin mo sa kanila: Ito ang bansa na ang mga mamamayan ay ayaw sumunod sa Panginoon na kanilang Diyos, at ayaw magpaturo. Wala sa kanila ang katotohanan at hindi na sila nagsasalita ng totoo.

29“Mga taga-Jerusalem, kalbuhin nʼyo ang inyong buhok at itapon ito upang ipakitang kayoʼy nagdadalamhati. Umiyak kayo roon sa kabundukan, dahil itinakwil at pinabayaan na ng Panginoon ang lahi nʼyo na nagpagalit sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.