Jeremias 7

“Mga taga-Jerusalem, kalbuhin nʼyo ang inyong buhok at itapon ito upang ipakitang kayoʼy nagdadalamhati. Umiyak kayo roon sa kabundukan, dahil itinakwil at pinabayaan na ng Panginoon ang lahi nʼyo na nagpagalit sa kanya.”

Jeremiah 7:29 (UKJV) Cut off yours hair, O Jerusalem, and cast it away, and take up a lamentation on high places; for the LORD has rejected and forsaken the generation of his wrath.

27“Jeremias, kung sasabihin mo sa kanila ang lahat ng ito, hindi sila makikinig sa iyo. Kapag tatawagin mo sila na lumapit sa akin, hindi sila sasagot.

28Kaya ito ang sabihin mo sa kanila: Ito ang bansa na ang mga mamamayan ay ayaw sumunod sa Panginoon na kanilang Diyos, at ayaw magpaturo. Wala sa kanila ang katotohanan at hindi na sila nagsasalita ng totoo.

29“Mga taga-Jerusalem, kalbuhin nʼyo ang inyong buhok at itapon ito upang ipakitang kayoʼy nagdadalamhati. Umiyak kayo roon sa kabundukan, dahil itinakwil at pinabayaan na ng Panginoon ang lahi nʼyo na nagpagalit sa kanya.”

30Sinabi ng Panginoon, “Gumawa ng masama ang mga tao ng Juda. Inilagay nila ang mga kasuklam-suklam nilang diyos-diyosan doon sa templo, ang lugar na pinili ko kung saan ako pararangalan, kaya nadungisan ito.

31Nagtayo rin sila ng sambahan sa matataas na lugar ng Tofet, sa Lambak ng Ben-hinom, upang doon nila sunugin ang mga anak nila bilang handog. Hindi ko ito iniutos sa kanila ni pumasok man lang sa isip ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.