29“Mga taga-Jerusalem, kalbuhin nʼyo ang inyong buhok at itapon ito upang ipakitang kayoʼy nagdadalamhati. Umiyak kayo roon sa kabundukan, dahil itinakwil at pinabayaan na ng Panginoon ang lahi nʼyo na nagpagalit sa kanya.”
30Sinabi ng Panginoon, “Gumawa ng masama ang mga tao ng Juda. Inilagay nila ang mga kasuklam-suklam nilang diyos-diyosan doon sa templo, ang lugar na pinili ko kung saan ako pararangalan, kaya nadungisan ito.
31Nagtayo rin sila ng sambahan sa matataas na lugar ng Tofet, sa Lambak ng Ben-hinom, upang doon nila sunugin ang mga anak nila bilang handog. Hindi ko ito iniutos sa kanila ni pumasok man lang sa isip ko.
32Kaya mag-ingat kayo, dahil ako, ang Panginoon ay nagsasabing, darating ang araw na ang lugar na iyon ay hindi na tatawaging Tofet o Lambak ng Ben-hinom kundi Lambak ng Patayan. Sapagkat doon ililibing ang maraming bangkay hanggang sa wala nang lugar na mapaglibingan.
33Ang mga bangkay ng mamamayan ko ay kakainin ng mga ibon at mababangis na hayop, at walang sinumang magtataboy sa mga ito.