13“Lubos ko silang lilipulin,” sabi ng Panginoon. “Sisirain ko ang mga bunga ng kanilang mga ubas at igos; pati ang mga dahon nitoʼy malalanta. Ang mga ibinigay ko sa kanila ay mawawala.”
14Pagkatapos, sasabihin nila, Ano pa ang hinihintay natin? Halikayo, tumakas na tayo papunta sa mga napapaderang lungsod at doon na tayo mamatay. Sapagkat hinatulan na tayong mamatay ng Panginoon na ating Diyos. Parang binigyan niya tayo ng tubig na may lason para inumin, dahil nagkasala tayo sa kanya.
15Naghintay tayo ng kapayapaan, pero walang dumating na kapayapaan. Naghintay tayo ng kabutihan, pero takot ang dumating.
16Ang singhal ng kabayo ng mga kaaway ay naririnig mula sa Dan. Sa halinghing pa lang ng kanilang mga kabayo, nanginginig na ang buong lupain. Dumating sila upang wasakin ang lupaing ito at ang lahat ng naririto; ang mga lungsod at ang lahat ng mamamayan nito.
17“Makinig kayo! Magpapadala ako ng mga kaaway na parang mga makamandag na ahas na hindi napapaamo ng kahit sino, at tutuklawin nila kayo at kayoʼy mamamatay,” sabi ng Panginoon.