Joel 2

Sumagot ang Panginoon sa kanila, “Bibigyan ko kayo ng mga butil, bagong alak, at langis, at mabubusog kayo. Hindi ko papayagang hiyain kayo ng ibang bansa.

Joel 2:19 (UKJV) Yea, the LORD will answer and say unto his people, Behold, I will send you corn, and wine, and oil, and all of you shall be satisfied therewith: and I will no more make you a reproach among the heathen:

17Hayaan ang mga pari na naglilingkod sa harapan ng Panginoon na umiyak sa pagitan ng altar at balkonahe ng templo. Manalangin sila ng ganito: “Panginoon, mahabag po kayo sa inyong bayan. Huwag ninyong payagan na silaʼy hiyain at sakupin ng ibang bansa na nagsasabi, ‘Nasaan ang kanilang Diyos?’ ”

18Nagmamalasakit ang Panginoon sa kanyang bayan at naaawa siya sa kanyang mga mamamayan.

19Sumagot ang Panginoon sa kanila, “Bibigyan ko kayo ng mga butil, bagong alak, at langis, at mabubusog kayo. Hindi ko papayagang hiyain kayo ng ibang bansa.

20“Palalayasin ko ang mga sasalakay sa inyo mula sa hilaga at itataboy ko sila sa disyerto. Itataboy ko ang unang pulutong nila sa Dagat na Patay at ang huling pulutong ay itataboy ko sa Dagat ng Mediteraneo. At aalingasaw ang kanilang mga bangkay.” Tunay na kamangha-mangha ang ginawa ng Panginoon.

21Hindi dapat matakot ang lupain ng Juda, sa halip dapat itong magalak dahil sa kamangha-manghang ginawa ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.