Juan 12

Nang marinig ng mga taong naroon ang tinig, sinabi nila, “Kumulog!” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kinausap siya ng isang anghel.”

John 12:29 (UKJV) The people therefore, that stood by, and heard it, said that it thundered: others said, An angel spoke to him.

27“Nababagabag ako ngayon. Sasabihin ko ba sa Ama na iligtas niya ako sa nalalapit na paghihirap? Hindi, dahil ito ang dahilan ng pagpunta ko rito.”

28At sinabi niya, “Ama, luwalhatiin nʼyo po ang inyong pangalan!” Isang tinig mula sa langit ang sumagot, “Niluwalhati ko na ito, at muli kong luluwalhatiin ngayon.”

29Nang marinig ng mga taong naroon ang tinig, sinabi nila, “Kumulog!” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kinausap siya ng isang anghel.”

30Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo.

31Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na ang naghahari sa mundong ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.