Juan 12

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo.

John 12:30 (UKJV) Jesus answered and said, This voice came not because of me, but for your sakes.

28At sinabi niya, “Ama, luwalhatiin nʼyo po ang inyong pangalan!” Isang tinig mula sa langit ang sumagot, “Niluwalhati ko na ito, at muli kong luluwalhatiin ngayon.”

29Nang marinig ng mga taong naroon ang tinig, sinabi nila, “Kumulog!” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kinausap siya ng isang anghel.”

30Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo.

31Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na ang naghahari sa mundong ito.

32At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.