30Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo.
31Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na ang naghahari sa mundong ito.
32At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.”
33Sinabi ni Hesus na siya ay itataas upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay.
34Sumagot ang mga tao sa kanya, “Nakasaad sa Kautusan na ang Mesias ay mabubuhay nang walang hanggan. Bakit mo sinasabing kailangang itaas ang Anak ng Tao? Sino ba itong Anak ng Tao na tinutukoy mo?”