26Ang sinumang gustong maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung nasaan ako ay naroon din dapat siya. Ang sinumang naglilingkod sa akin ay pararangalan ng Ama.
27“Nababagabag ako ngayon. Sasabihin ko ba sa Ama na iligtas niya ako sa nalalapit na paghihirap? Hindi, dahil ito ang dahilan ng pagpunta ko rito.”
28At sinabi niya, “Ama, luwalhatiin nʼyo po ang inyong pangalan!” Isang tinig mula sa langit ang sumagot, “Niluwalhati ko na ito, at muli kong luluwalhatiin ngayon.”
29Nang marinig ng mga taong naroon ang tinig, sinabi nila, “Kumulog!” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kinausap siya ng isang anghel.”
30Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo.