Josue 11

Pagkatapos, bumalik sina Josue at sinakop nila ang Hazor at pinatay ang hari nito. (Nang mga panahong iyon, ang Hazor ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kaharian.)

Joshua 11:10 (UKJV) And Joshua at that time turned back, and took Hazor, and stroke the king thereof with the sword: for Hazor in time past was the head of all those kingdoms.

8At pinagtagumpay sila ng Panginoon sa mga kalaban nila. Hinabol ng iba ang mga kalaban hanggang sa malaking Sidon at Misrefot-maim at ang iba naman, hanggang sa Lambak ng Mizpa sa silangan. Pinatay nila ang mga kalaban hanggang sa wala nang natira sa mga ito.

9At ginawa sa kanila ni Josue ang iniutos ng Panginoon: Pinilayan niya ang mga kabayo nila at pinasunog ang mga karwahe nila.

10Pagkatapos, bumalik sina Josue at sinakop nila ang Hazor at pinatay ang hari nito. (Nang mga panahong iyon, ang Hazor ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kaharian.)

11Pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Hazor. Nilipol nila ito nang lubusan at walang naiwang buhay. At sinunog nila ang lungsod.

12Sinakop ni Josue ang lahat ng lungsod. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang mga hari nito. Nilipol nila ito nang lubusan ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.