Josue 11

At pinagtagumpay sila ng Panginoon sa mga kalaban nila. Hinabol ng iba ang mga kalaban hanggang sa malaking Sidon at Misrefot-maim at ang iba naman, hanggang sa Lambak ng Mizpa sa silangan. Pinatay nila ang mga kalaban hanggang sa wala nang natira sa mga ito.

Joshua 11:8 (UKJV) And the LORD delivered them into the hand of Israel, who stroke them, and chased them unto great Zidon, and unto Misrephothmaim, and unto the valley of Mizpeh eastward; and they stroke them, until they left them none remaining.

6Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kayong matakot sa kanila, dahil bukas sa ganito ring oras, ibibigay ko silang lahat sa Israel para patayin. Pipilayan nʼyo ang mga kabayo nila at susunugin ang mga karwahe nila.”

7Kaya sinorpresa sila nila Josue ng atake sa Batis ng Merom.

8At pinagtagumpay sila ng Panginoon sa mga kalaban nila. Hinabol ng iba ang mga kalaban hanggang sa malaking Sidon at Misrefot-maim at ang iba naman, hanggang sa Lambak ng Mizpa sa silangan. Pinatay nila ang mga kalaban hanggang sa wala nang natira sa mga ito.

9At ginawa sa kanila ni Josue ang iniutos ng Panginoon: Pinilayan niya ang mga kabayo nila at pinasunog ang mga karwahe nila.

10Pagkatapos, bumalik sina Josue at sinakop nila ang Hazor at pinatay ang hari nito. (Nang mga panahong iyon, ang Hazor ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kaharian.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.