Josue 11

Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kayong matakot sa kanila, dahil bukas sa ganito ring oras, ibibigay ko silang lahat sa Israel para patayin. Pipilayan nʼyo ang mga kabayo nila at susunugin ang mga karwahe nila.”

Joshua 11:6 (UKJV) And the LORD said unto Joshua, Be not afraid because of them: in order to morrow about this time will I deliver them up all slain before Israel: you shall cut the hamstrings of their horses, and burn their chariots with fire.

4Dumating ang lahat ng hari, kasama ang mga sundalo nilang kasindami ng buhangin sa dagat. Marami rin silang kabayo at karwahe.

5Nagtipon ang mga haring ito at nagkampo sila sa tabi ng Batis ng Merom para labanan ang Israelita.

6Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kayong matakot sa kanila, dahil bukas sa ganito ring oras, ibibigay ko silang lahat sa Israel para patayin. Pipilayan nʼyo ang mga kabayo nila at susunugin ang mga karwahe nila.”

7Kaya sinorpresa sila nila Josue ng atake sa Batis ng Merom.

8At pinagtagumpay sila ng Panginoon sa mga kalaban nila. Hinabol ng iba ang mga kalaban hanggang sa malaking Sidon at Misrefot-maim at ang iba naman, hanggang sa Lambak ng Mizpa sa silangan. Pinatay nila ang mga kalaban hanggang sa wala nang natira sa mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.