12Sinakop ni Josue ang lahat ng lungsod. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang mga hari nito. Nilipol nila ito nang lubusan ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
13Ngunit hindi sinunog ng mga Israelita ang mga lungsod sa mga bulubundukin lugar, maliban lang sa Hazor na sinunog ni Josue.
14Kinuha ng mga Israelita ang lahat ng nasamsam na mga hayop at mga ari-arian ng mga lungsod na ito para sa sarili nila. Ngunit nilipol nila nang lubusan ang mga naninirahan dito, at walang naiwang buhay.
15Iyon ang iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin at ito rin ang iniutos ni Moises kay Josue. Tinupad ni Josue ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
16Sinakop nga ni Josue ang buong lupain: ang kabundukan, ang buong lupain ng Negeb, ang buong lupain ng Goshen, ang mga kaburulan sa kanluran, ang Kapatagan ng Jordan, ang mga kabundukan at kaburulan ng Israel.