Josue 11

Ngunit hindi sinunog ng mga Israelita ang mga lungsod sa mga bulubundukin lugar, maliban lang sa Hazor na sinunog ni Josue.

Joshua 11:13 (UKJV) But as for the cities that stood still in their strength, Israel burned none of them, save Hazor only; that did Joshua burn.

11Pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Hazor. Nilipol nila ito nang lubusan at walang naiwang buhay. At sinunog nila ang lungsod.

12Sinakop ni Josue ang lahat ng lungsod. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang mga hari nito. Nilipol nila ito nang lubusan ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.

13Ngunit hindi sinunog ng mga Israelita ang mga lungsod sa mga bulubundukin lugar, maliban lang sa Hazor na sinunog ni Josue.

14Kinuha ng mga Israelita ang lahat ng nasamsam na mga hayop at mga ari-arian ng mga lungsod na ito para sa sarili nila. Ngunit nilipol nila nang lubusan ang mga naninirahan dito, at walang naiwang buhay.

15Iyon ang iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin at ito rin ang iniutos ni Moises kay Josue. Tinupad ni Josue ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.