Josue 19

Ang ikaanim na binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Neftali.

Joshua 19:32 (UKJV) The sixth lot came out to the children of Naphtali, even for the children of Naphtali according to their families.

30Uma, Afek at Rehob; dalawampuʼt dalawang bayan lahat, kasama ang mga bayan sa paligid nito.

31Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Asher bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.

32Ang ikaanim na binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Neftali.

33Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Helef at sa puno ng terebinto sa Zaananim papuntang Adami-nekeb at Jabneel hanggang sa Lakum, at nagtapos sa Ilog Jordan.

34Mula roon, paliko ito sa kanluran papuntang Aznot-tabor, pagkatapos sa Hucoc, hanggang sa hangganan ng Zebulun sa timog, sa hangganan ng Asher sa kanluran at sa Ilog Jordan sa silangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.