28Ebron, Rehob, Hamon, Kana at hanggang sa Malaking Sidon.
29Pagkatapos, liliko ito patungong Rama at sa napapaderang bayan ng Tiro, at papuntang Hosa, at nagtatapos sa Dagat ng Mediteraneo. Ang iba pang mga bayan na sakop nila ay ang Mahalab, Aczib,
30Uma, Afek at Rehob; dalawampuʼt dalawang bayan lahat, kasama ang mga bayan sa paligid nito.
31Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Asher bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
32Ang ikaanim na binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Neftali.