Josue 23

Kaya ingatan ninyong lubos sa inyong puso na ibigin ang Panginoon na inyong Diyos.

Joshua 23:11 (UKJV) Take good heed therefore unto yourselves, that all of you love the LORD your God.

9“Itinaboy ng Panginoon ang malalaki at mga makapangyarihang bansa nang lusubin nʼyo sila at hanggang ngayon wala pang kahit isa na nakatalo sa inyo.

10Kahit sino sa inyo ay makakapagtaboy ng isang libong tao dahil ang Panginoon na inyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo, ayon sa ipinangako niya.

11Kaya ingatan ninyong lubos sa inyong puso na ibigin ang Panginoon na inyong Diyos.

12“Ngunit kung tatalikod kayo sa kanya at makikipag-isa sa mga karatig bansang natira, at makikipag-asawa sa kanila at makikisalamuha,

13tiyak na hindi na itataboy ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansang ito. Sa halip, magiging mapanganib sila para sa inyo gaya ng bitag, at magiging pahirap sila sa inyo gaya ng malupit na latigo kapag hinagupit kayo sa likod o kayaʼy tinik kapag tinusok ang mata ninyo. Mangyayari ito hanggang sa mamatay kayong lahat sa magandang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.