Josue 23

“Itinaboy ng Panginoon ang malalaki at mga makapangyarihang bansa nang lusubin nʼyo sila at hanggang ngayon wala pang kahit isa na nakatalo sa inyo.

Joshua 23:9 (UKJV) For the LORD has driven out from before you great nations and strong: but as for you, no man has been able to stand before you unto this day.

7Huwag kayong makikiisa sa mga bayan na natitira pa sa karatig ninyo, at huwag ninyong babanggitin ang mga pangalan ng mga diyos nila o kayaʼy sumumpa sa pangalan ng mga ito. Huwag kayong sasamba o kayaʼy maglilingkod sa kanila,

8kundi, maging tapat kayo sa Panginoon na inyong Diyos, gaya ng ginagawa nʼyo hanggang ngayon.

9“Itinaboy ng Panginoon ang malalaki at mga makapangyarihang bansa nang lusubin nʼyo sila at hanggang ngayon wala pang kahit isa na nakatalo sa inyo.

10Kahit sino sa inyo ay makakapagtaboy ng isang libong tao dahil ang Panginoon na inyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo, ayon sa ipinangako niya.

11Kaya ingatan ninyong lubos sa inyong puso na ibigin ang Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.