8kundi, maging tapat kayo sa Panginoon na inyong Diyos, gaya ng ginagawa nʼyo hanggang ngayon.
9“Itinaboy ng Panginoon ang malalaki at mga makapangyarihang bansa nang lusubin nʼyo sila at hanggang ngayon wala pang kahit isa na nakatalo sa inyo.
10Kahit sino sa inyo ay makakapagtaboy ng isang libong tao dahil ang Panginoon na inyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo, ayon sa ipinangako niya.
11Kaya ingatan ninyong lubos sa inyong puso na ibigin ang Panginoon na inyong Diyos.
12“Ngunit kung tatalikod kayo sa kanya at makikipag-isa sa mga karatig bansang natira, at makikipag-asawa sa kanila at makikisalamuha,