1Nang makatawid na ang lahat ng mamamayan ng Israel sa Ilog Jordan, sinabi ng Panginoon kay Josue,
2“Pumili ka ng labindalawang lalaki, isa sa bawat lahi,
3at utusan sila na kumuha ng tig-iisang bato sa gitna ng ilog, doon sa kinatatayuan ng mga pari. Pagkatapos, dadalhin nila ito sa lugar na tutuluyan nʼyo ngayong gabi.”
4Kaya tinawag ni Josue ang labindalawang lalaki na pinili niya mula sa bawat lahi ng Israel at sinabi,
5“Pumunta kayo sa gitna ng ilog, sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na inyong Diyos. Ang bawat isa sa inyoʼy kumuha ng isang malaking bato para sa bawat lahi ng Israel at pasanin ito.