8Matapos silang matuli, nanatili sila sa mga kampo nila hanggang sa gumaling ang mga sugat nila.
9At sinabi ng Panginoon kay Josue, “Sa araw na ito, inalis ko sa inyo ang kahihiyan ng pagiging alipin nʼyo sa Ehipto.” Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Gilgal hanggang ngayon.
10Noong gabi nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan, habang nagkakampo pa ang mga Israelita sa Gilgal, sa Kapatagan ng Jerico, ipinagdiwang nila ang Pista ng Paglampas ng Anghel.
11Kinaumagahan, kumain sila ng mga ani ng lupaing iyon: binusang trigo at tinapay na walang pampaalsa.
12Mula nang araw na iyon, tumigil na ang pagbagsak ng manna, at wala nang manna ang mga Israelita. Ang pagkain nila ay galing na sa inani sa lupain ng Canaan.