Josue 5

Mula nang araw na iyon, tumigil na ang pagbagsak ng manna, at wala nang manna ang mga Israelita. Ang pagkain nila ay galing na sa inani sa lupain ng Canaan.

Joshua 5:12 (UKJV) And the manna ceased on the next day after they had eaten of the old corn of the land; neither had the children of Israel manna any more; but they did eat of the fruit of the land of Canaan that year.

10Noong gabi nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan, habang nagkakampo pa ang mga Israelita sa Gilgal, sa Kapatagan ng Jerico, ipinagdiwang nila ang Pista ng Paglampas ng Anghel.

11Kinaumagahan, kumain sila ng mga ani ng lupaing iyon: binusang trigo at tinapay na walang pampaalsa.

12Mula nang araw na iyon, tumigil na ang pagbagsak ng manna, at wala nang manna ang mga Israelita. Ang pagkain nila ay galing na sa inani sa lupain ng Canaan.

13Nang malapit na si Josue sa Jerico, bigla niyang nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap niya na may hawak na espada. Tinanong siya ni Josue, “Kakampi ka ba namin o kalaban?”

14“Hindi,” sagot ng lalaki. “Naparito ako bilang pinuno ng mga sundalo ng Panginoon.” Nagpatirapa si Josue bilang paggalang sa kanya at nagtanong, “Ginoo, ano po ang gusto nʼyong ipagawa sa akin na inyong lingkod?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.