20At tulad ng ipinangako ni Moises, ibinigay kay Caleb ang Hebron. Itinaboy ni Caleb ang mga taong nakatira sa lugar na ito na mula sa tatlong anak ni Anac.
21Hindi naitaboy ng lahi ni Benjamin ang mga Jebuseo na nakatira sa Jerusalem. Kaya hanggang ngayon, naninirahan pa rin ang mga ito kasama ng mga lahi ni Benjamin.
22Ngayon, nilusob ng mga lahi ni Jose ang lungsod ng Betel, at tinulungan sila ng Panginoon.
23Nang magpadala sila ng mga tao para mag-espiya sa Betel (na nooʼy tinatawag na Luz),
24may nakita ang mga espiya na isang taong papalabas mula sa lungsod na iyon. Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin kung paano makapasok sa lungsod at pakikitunguhan ka namin nang maayos.”