Mga Hukom 1

may nakita ang mga espiya na isang taong papalabas mula sa lungsod na iyon. Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin kung paano makapasok sa lungsod at pakikitunguhan ka namin nang maayos.”

Judges 1:24 (UKJV) And the spies saw a man come forth out of the city, and they said unto him, Show us, we pray you, the entrance into the city, and we will show you mercy.

22Ngayon, nilusob ng mga lahi ni Jose ang lungsod ng Betel, at tinulungan sila ng Panginoon.

23Nang magpadala sila ng mga tao para mag-espiya sa Betel (na nooʼy tinatawag na Luz),

24may nakita ang mga espiya na isang taong papalabas mula sa lungsod na iyon. Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin kung paano makapasok sa lungsod at pakikitunguhan ka namin nang maayos.”

25Kaya itinuro nga niya sa kanila, at pinatay nila ang lahat ng nakatira sa lungsod na iyon maliban sa taong nagturo sa kanila pati ang buong sambahayan nito.

26Ang taong itoʼy pumunta sa lupain ng mga Heteo, at doon nagtayo ng isang lungsod na tinawag niyang Luz. Ito pa rin ang pangalan nito hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.