Mga Hukom 12

Si Ibzan ay may tatlumpung anak na lalaki at tatlumpung anak na babae. Pinapag-asawa niya ang mga anak niyang babae sa mga hindi kabilang sa kanilang angkan. Namuno siya sa Israel sa loob ng pitong taon.

Judges 12:9 (UKJV) And he had thirty sons, and thirty daughters, whom he sent abroad, and took in thirty daughters from abroad for his sons. And he judged Israel seven years.

7Pinamunuan ni Jefta ang Israel sa loob ng anim na taon. Nang mamatay siya, inilibing siya sa isang bayan sa Gilead.

8Pagkamatay ni Jefta, si Ibzan na taga-Bethlehem ang pumalit sa kanya bilang pinuno ng Israel.

9Si Ibzan ay may tatlumpung anak na lalaki at tatlumpung anak na babae. Pinapag-asawa niya ang mga anak niyang babae sa mga hindi kabilang sa kanilang angkan. Namuno siya sa Israel sa loob ng pitong taon.

10Nang mamatay siya, inilibing siya sa Bethlehem.

11Ang pumalit sa kanya bilang pinuno ay si Elon na taga-Zebulun. Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng sampung taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.