19Kaya nang sumunod na araw, maagang nagkampo ang mga Israelita malapit sa Gibea.
20At pumunta sila sa Gibea. Pagdating doon, pumuwesto na ang mga Israelita upang makipaglaban sa lahi ni Benjamin.
21Naglabasan ang mga taga-Benjamin sa Gibea upang lusubin sila. At sa araw na iyon, dalawampuʼt dalawang libong Israelita ang napatay ng mga taga-Benjamin.
22Ngunit pinalakas ng mga Israelita ang loob ng bawat isa at muli silang pumuwesto sa dating lugar kung saan sila nakipaglaban sa nakaraang araw.
23Pumunta ulit sila sa Betel at umiyak sa harapan ng Panginoon hanggang gabi. Tinanong nila ang Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kapatid naming taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, muli kayong makikipaglaban.”