Mga Hukom 20

Pumunta ulit sila sa Betel at umiyak sa harapan ng Panginoon hanggang gabi. Tinanong nila ang Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kapatid naming taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, muli kayong makikipaglaban.”

Judges 20:23 (UKJV) (And the children of Israel went up and wept before the LORD until even, and asked counsel of the LORD, saying, Shall I go up again to battle against the children of Benjamin my brother? And the LORD said, Go up against him.)

21Naglabasan ang mga taga-Benjamin sa Gibea upang lusubin sila. At sa araw na iyon, dalawampuʼt dalawang libong Israelita ang napatay ng mga taga-Benjamin.

22Ngunit pinalakas ng mga Israelita ang loob ng bawat isa at muli silang pumuwesto sa dating lugar kung saan sila nakipaglaban sa nakaraang araw.

23Pumunta ulit sila sa Betel at umiyak sa harapan ng Panginoon hanggang gabi. Tinanong nila ang Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kapatid naming taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, muli kayong makikipaglaban.”

24At nang sumunod na araw, nilusob nila ang mga taga-Benjamin.

25Ngunit lumabas muli ang mga taga-Benjamin sa Gibea at sinalubong ang mga kapwa nila Israelita. At sa pagkakataong iyon, napatay na naman nila ang labingwalong libong Israelita na armado lahat ng espada.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.