Mga Hukom 20

Ngunit pinalakas ng mga Israelita ang loob ng bawat isa at muli silang pumuwesto sa dating lugar kung saan sila nakipaglaban sa nakaraang araw.

Judges 20:22 (UKJV) And the people the men of Israel encouraged themselves, and set their battle again in array in the place where they put themselves in array the first day.

20At pumunta sila sa Gibea. Pagdating doon, pumuwesto na ang mga Israelita upang makipaglaban sa lahi ni Benjamin.

21Naglabasan ang mga taga-Benjamin sa Gibea upang lusubin sila. At sa araw na iyon, dalawampuʼt dalawang libong Israelita ang napatay ng mga taga-Benjamin.

22Ngunit pinalakas ng mga Israelita ang loob ng bawat isa at muli silang pumuwesto sa dating lugar kung saan sila nakipaglaban sa nakaraang araw.

23Pumunta ulit sila sa Betel at umiyak sa harapan ng Panginoon hanggang gabi. Tinanong nila ang Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kapatid naming taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, muli kayong makikipaglaban.”

24At nang sumunod na araw, nilusob nila ang mga taga-Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.